Foreign firefighters, tumulong na rin sa pag-apula sa wildfires sa Canada
Nahaharap sa kumplikadong trabaho sa gitna ng kagubatang nilalamon ng hindi makontrol na sunog, ang daan-daang international firefighters na tumutulong sa mga Canadian sa paglaban sa nagngangalit na wildfire na hindi pa nangyari noon.
Sinabi ng lider ng isang French team na naka-deploy sa Quebec na si Eric Flores, na wala pa siyang nakitang katulad ng wildfire sa Canada.
Ang kaniyang team ay abala sa paglilinis ng mga baga, nang bigla na lamang silang ma-trap ng apoy na sumiklab, 50 metro (165 talampakan) sa bandang likuran nila sa isang green patch ng kagubatan.
Aniya, “As the fire burns underground along roots it can go places that you don’t suspect. It’s very unpredictable and it can flare up very quickly. It’s painstaking work, we advance meter by meter.”
Pagkatapos silang ibaba ng helicopter, kailangan ng mga crew na maglakad, bitbit ang mga kagamitan sa kanilang likuran ng ilang kilometro sa masukal na kagubatan bago makarating sa lugar kung saan sila pupuwesto.
Napalilibutan sila ng makapal at nakalalasong usok sa kanilang paligid, at mga kumpol ng nangangagat na black flies at mga lamok.
Sinabi pa ni Flores, “It’s unlike anything we’re used to in France. Imagine a wall of flames 100 meters wide, twice the height of the trees. The blazes are also on average 100 times larger than those my team is used to dealing with in France.”
Ayon naman kay Godefroy, isang sundalong Pranses na naka-deploy sa Quebec na ayaw banggitin ang kaniyang apelyido, “There’s a lot of smoke in the country and beyond but it is not very surprising when you see everything that is burning.”
Sa pagtatapos ng Hunyo, halos 500 wildfires ang aktibo sa Canada at kalahati sa mga ito ay nakalista bilang out of control.
French firefighters work on the ground in a forest near Chibougamau, Quebec, where they have been deployed since early June to help control historic fires. (Video grab/AFP/Sécurité civile)
Pagkatapos ng maagang pagsisimula ng hindi pangkaraniwang napakainit at tuyong panahon ng tagsibol, ang wildfire season ay inaasahang magpapatuloy hanggang sa tag-araw, na ang karaniwang peak ay Hulyo o Agosto at hanggang sa panahon ng taglagas.
Sa kakulangan ng mga bumbero sa Canada, kahit na may mga dayuhang reinforcement, imposibleng maapula ang lahat ng sunog nang sabay-sabay. Kaya’t dapat hayaan na lamang ng mga awtoridad ang sunog sa ilang mga rehiyong may kakaunting populasyon at pilitin na lamang na iyon ay huwag kumalat.
Sinabi ni Joseph Romero, isang Costa Rican firefighter na naka-deploy naman sa Alberta, “It’s amazing how quickly you can go from hot charcoal to a large flame in a few seconds.”
Ang “unprecedented fire season,” ay nagbabadya ng mga hamon sa klima na naghihintay sa Canada sa hinaharap. Ang boreal forest nito ay ang pinakamalaking “intact forest” sa buong mundo, na may tatlong milyong kilometro kuwadrado na hindi nagagambala ng mga kalsada, mga siyudad o pag-unlad ng industriya.
Nakapalibot sa Arctic — kabilang ang Alaska, Siberia at hilagang Europa — lalo itong nasa ilalim ng banta ng mga wildfire.
Halos walong milyong ektarya (19.7 milyong ektarya) mula sa pinakakanlurang British Columbia hanggang sa Yukon sa hilaga at sa mga lalawigan ng Atlantiko, ang nasunog ngayong taon.
Ayon kay David Uruena, isang Spanish firefighter sa Quebec, “Here, there is a 20 to 30 cm (8-12 inch) layer of fuel on the ground, which makes the fire more difficult to control. The fire burns underneath and can spread over several kilometers.”
Sinabi naman ng bumbero mula sa South Africa na naka-deploy sa Western Canada na si Ditiro Moseki, “In Canada we’re having to dig to reach fires smoldering deep underground.”
“You have to keep going back to make sure it’s out,” paliwanag ng team leader na si Ongezwa Nonjiji.
Aniya, “In South Africa, most of the time, if it rains, you known the fire is probably out, but here in Canada after it rains you see smoke again the next morning. How fast the wildfires spread — an ember can travel several kilometers in the wind and ignite a new fire — is also shocking.”
Si Cindy Alfonso, isang bumbero mula sa Costa Rica, ay nagsabi, “I was surprised that healthy ‘green trees are burning.’ Here, conifers are burning (even if slightly damp) because their resin is very flammable.”
Ang climate consequences ay mapangwasak habang ang boreal forest ay nagri-release ng 10 hanggang 20 ulit ng carbon per unit ng lugar na nasunog kaysa sa iba pang mga ecosystems. Sa pamamagitan ng pagri-release ng greenhouse gases sa atmospera, ang mga sunog na ito ay nakapag-aambag sa global warming.