Foreign policies at defense cooperation ng Pilipinas at Australia, palalakasin
Nagkasundo ang Pilipinas at Australia na mas paigtingin pa ang foreign at defense policies sa isinagawang 6th Philippines-Australia Strategic Dialogue (PASD) sa bansa.
Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa Lazaro at Department of National Defense Undersecretary for Civil, Veterans, and Reserve Affairs Franco Nemesio Gacal ang delegasyon ng Pilipinas.
Sa dayalogo, tinalakay ng dalawang bansa ang mga hakbang upang mapalakas pa ang foreign at defense cooperation and collaboration.
Partikular na sa maritime security at transnational crimes.
Parehong ipinahayag din ng Pilipinas at Australia ang committment sa pagsuporta sa rules-based regional order kung saan ang ASEAN ang nasa gitna.
Muli ring pinagtibay ng parehong panig ang kahalagahan ng maritime cooperation activities gaya ng pagsasagawa ng maritime dialogues, joint exercises, capacity building activities, training, at logistics support.
Moira Encina