Foreign Travel Authority ni Congressman Arnulfo Teves nagpaso na noong March 9 ayon sa Kamara
Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na hanggang March 9 lamang ang foreign travel authority na ipinagkaloob ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Negros Oriental 3rd District Congressman Arnulfo Teves.
Batay sa inilabas na dokumento ni Velasco pinayagan ang personal foreign trip ni Teves patungong Estados Unidos mula February 28 hanggang March 9.
Ayon kay Velasco may pagkakataoon na maaaring mag extend ang isang Kongresista sa kanyang biyahe sa abroad.
Sinabi ni Velasco sa ngayon ay walang komunikasyon kay Teves kung nakabalik na siya sa Pilipinas.
Inihayag ni Velasco dahil sa hybrid ang sesyon maaaring lumahok ang mga mambabatas kahit nasa labas ng bansa.
Niliwanag ni Velasco walang official notice ang Department of Justice o DOJ sa House of Representatives kaugnay ng kasong kinakaharap ni Congressman Teves.
Vic Somintac