Former Health secretary Janet Garin, tinawag na inaccurate ang rekomendasyon ng Senado na kasuhan siya sa anumalya sa Dengvaxia
Umalma si dating Health secretary Janet Garin sa rekomendasyon ng Senado na makasuhan sya at iba pang dating opisyal ng Aquino administration kaugnay ng anomalya sa Dengvaxia.
Tinawag pa ni Garin na inaccurate at one sided ang report ng Senate blue ribbon committee.
Sa simula pa lang aniya ng imbestigasyon ay hinusgahan na sila ni Senador Richard Gordon at hindi na pinakinggan ang kanilang paliwanag.
Nanindigan si Garin na kumilos lang ang gobyerno noon para mapigilan ang krisis o pagkalat ng epidemya.
Janet Garin:
“I am honest in the belief that he has prejudged the case from the very beginning based on the inputs of vested interest parties who want to control the DOH. We in the DOH then acted accordingly to meet the health crisis”.
Samantala, handa naman umano si dating Pangulong Noynoy Aquino na harapin ang anunang kaso laban sa kanya.
Ayon sa tagapagsalita ni Aquino na ai Atty Abigail Valte, hindi natatakot ang dating Pangulo katunayang humarap at tumestigo ito sa imbestigasyon ng Kamara at Senado.
Atty. Abigail Valte:
“Former President Aquino has always demonstrated his readiness to answer questions about his decisions as president. He will continue to face whatever additional complaints are filed in connection with this matter”.
Ulat ni Meanne Corvera