Founding member ng reggae pop group na UB40, pumanaw na
Pumanaw na sa edad na 64 ang dating vocalist at founding member ng British reggae group na UB40 na si Terence Wilson.
Ito ang kinumpirma ng mga miembro ng banda, na nagsabing namatay si Wilson na kilala rin bilang si Astro dahil sa sakit.
Sumikat ang grupo noong 1980s, kung saan kabilang sa kanilang hits ang “Can’t Help Falling In Love” at “Red Red Wine.”
Ang pagcover ng UB40 sa awiting “Red Red Wine” ni Neil Diamond ang nagpasikat sa grupo, kung saan nakapagbenta sila ng higit sa 100 million records.
Si Wilson ay nakasama ng UB40 hanggang 2013.
Ayon sa grupo . . . “We are absolutely devastated and completely heartbroken to have to tell you that our beloved Astro has today passed away after a short illness. The world will never be the same without him.” (AFP)