Four Strategic Action laban sa COVID-19 inilunsad ng Taguig City
Inilunsad ng Taguig City ang Four Strategic Actions laban sa COVID-19 sa Forbes Town Center sa BGC, sa pakikipagtulungan ng MegaWorld Corporation, at United State Agency for International Development (USAID).
Ang programang ito ay para sa Systematic Mass Approach Sa Responsableng Testing (SMART) program para sa COVID-19 disease protection, test assessment for non- communicable (or lifestyle related) disease, prevention and control, tubercolosis detection, care and treatment at ang patuloy na pagbabakuna laban sa COVID-19, para i-promote ang ligtas at mabisang COVID-19 testing na madaling ma- access ng mga Taguigeños.
Kaasama ang mga barangay health center worker ng lungsod, magbibigay ng libreng swab testing at drive thru testing sa BCG kada araw ng Miyerkoles, habang sa Lakeshore complex naman ay tuwing Biyernes at maging sa parking lot ng Vista mall building.
Sinabi ni Mayor Lino Cayetano na sa kanilang pakikipag-partner sa USAID Philippines, ay inilunsad din ang TB Contact Center at Tibay ng Dibdib Campaign Program, para maipaabot sa mga Taguigeños ang kinakailangan nilang tulong.
Isa rin aniya sa kanilang natutunan ay ang i-prioritize ang improvement ng public care system ng lungsod.
Ulat ni Archie Amado