France at Germany, hirap sa pagkumbinse na mabisa rin ang AstraZeneca vaccine kontra COVID-19
PARIS, France (AFP) — Nahihirapan ang French at German authorities na kumumbinse ng mas marami pang tao, na ang bakuna ng AstraZeneca ay kasing bisa rin ng iba.
Hindi nagagamit kapwa sa Britain at Sweden, ang stocks ng mga bakuna mula sa British-Swedish firm sa kabila ng pagnanais na wakasan na ang pandemya, na naging sanhi ng isang malubhang social economic calamity na hindi pa naranasan mula noong World War II.
Tanging 273,000 doses lamang ng vaccine na dinivelop ng AstraZeneca at Oxford University, ang naibakuna na mula sa 1.7 milyong doses na tinanggap nito hanggang sa katapusan ng Pebrero, batay sa datos ng health ministry.
Ito’y kahit na ang malaking grupo na priority para sa bakuna gaya ng health workers na lampas na ng 50 at mga taong may iba pang serious health risks, ay maaaring magpabakuna na nang direkta sa kanilang doktor, sa halip na hintayin ang appointment sa vaccination centers.
Ayon sa mga eksperto, mas mura rin ang gugol sa produksyon nito kumpara sa dalawang inaprubahan para sa Europa, ang Pfizer-BioNTech at Moderna, at hindi rin nangangailangan ng ‘ultracold storage’ kaya’t mas madali rin itong maipamamahagi.
Subalit tumanggi kapwa ang France at Germany, na awtorisahan ang bakuna ng AstraZeneca para sa mga taong lampas 65 na ang edad, bunsod ng pangamba sa bisa nito.
Gayunman, sinabi ni French Health Minister Olivier Veron na ibibigay na nila ang bakuna sa mga nasa pagitan ng edad 65-75 na may serious health risks, habang ang mga higit 75 na ang edad ay Moderna vaccine pa rin ang tatanggapin.
Ang kabiguan ng AstraZeneca na magpalabas ng testing data noong Nobyembre ng nakalipas na taon, na sinabayan pa ng mga tanong tungkol sa kakayahan ng bakuna na mapigil ang bagong COVID-19 variant, ang nakaragdag sa mga pag-aalinlangan.
Tinukoy din ng mga kritiko na hindi pa inaprubahan ng US regulators ang bakuna ng AstraZeneca.
Ngunit tinuligsa ni Jacques Battistoni, head ng MG France doctors’ union, ang malawakang “AstraZeneca bashing” na nagbunsod para hindi magamit ang napakaraming vials ng bakuna.
Inireklamo naman ni French vaccination coordinator Alain Fischer, ang aniya’y ‘deeply unfair’ ang “bad publicity” tungkol sa bakuna ng AstraZeneca.
Si President Emmanuel Macron na noong una ay sinabing “quasi-ineffective” ang bakuna para sa mga taong higit 65-anyos na ang edad, ay hinihikayat na ngayon ang mga tao na magpabakuna ng AstraZeneca vaccine.
Katunayan, sa isang pulong nitong Biyernes ay sinabi ni Macron na . . . “If this is the vaccine I’m offered, obviously I would take it.”
Lumitaw sa study data na ipinalabas nitong Lunes ng English health authorities, na ang bakuna ay “highly effective” sa pagpigil na magkaroon ng malubhang sakit ang mga matatanda, kung saan 80% ang nabawas sa mga nao-ospital.
© Agence France-Presse