France, nag-donate ng 15,000 vaccine doses sa Slovakia
BRATISLAVA, Slovakia (AFP) – Nakatanggap ang Slovakia ng donasyon ng 15,000 doses ng Oxford-AstraZeneca coronavirus vaccine doses mula sa France.
Ayon kay Slovak Prime Minister Igor Matovic . . . “It is a very kind and useful gift and a great gesture of friendship.”
Sa kaniyang pagsasalita sa news conference na ginanap sa Bojnice, western Slovakia kasama si French Ambassador Christophe Leonizi, sinabi nito na suportado rin ng France ang ideya ng European Union (EU) na agad magpadala ng 100,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine sa Slovakia.
Ang Slovakia na kabilang sa EU nation na may 5.4 milyong populasyon, ay nakapagtala ng 24.09 mga namatay sa bawat 100,000 residents, sa nakalipas na 14 na araw, ang highest rate sa buong mundo.
Nitong Linggo ay inanunsyo ng Slovak health ministry, na nakadiskubre sila ng South African strain ng COVID-19 sa pitong samples mula sa kanilang bansa.
© Agence France-Presse