Fred VanVleet ng Rockets, pinagmulta ng $50k dahil sa pambabastos sa game officials
Pinagmulta ng NBA ng $50,000 ang Houston Rockets guard na si Fred VanVleet, dahil sa pambabastos sa game officials nang malapit nang matapos ang laban nila ng Portland Trail Blazers, kung saan natalo sila sa score na 104-98.
Si VanVleet ay naka-iskor ng eight points sa 4-of-13 shooting sa isang game kaya nagkaroon ng tie sa score na 96-96 sa nalalabing wala nang isang minuto.
Sinelyuhan ng Trail Blazers ang kanilang tagumpay sa pamamagitan ng final five points, na lahat ay pawang mula sa free-throw line sa final 16 seconds.
Si VanVleet ay tinawag para sa isang offensive foul sa natitirang 4.3 seconds, kung saan napag-iiwanan na ang Rockets sa score na 103-98.
Pagkatapos ay tinawag naman siya para sa isang technical foul at na-eject na. Dinuro ni VanVleet ang lahat ng tatlong referees habang paalis ng court, at isa sa mga ito ay dinuro niya nang malapitan sa mukha nang palabas na siya.
Si VanVleet, 30, ay may average na 14.5 points, 4.3 rebounds at 6.1 assists sa 17 laro (lahat ng simula) ngayong season. Sa loob ng siyam na career season kasama ang Toronto Raptors (2016-23) at Rockets, nag-average siya ng 15.0 points na may 3.4 rebounds at 5.7 assists sa 507 games (358 starts). Tinanghal siyang All-Star noong 2021-22 season.