“Free Guy” nanguna sa North American box office
LOS ANGELES, United States (AFP) – Nanguna sa North American box office ang video game action comedy na “Free Guy,” sa opening weekend kung saan kumita ito ng $28.4 million ayon sa trade firm na Exhibition Relations.
Ang pelikula na tungkol sa boundary sa pagitan ng virtual at real world, ay kinatatampukan ni Ryan Reynolds bilang isang anti-hero na natuklasang isa siyang karakter sa isang video game, at nais niyang kontrolin ang kaniyang kapalaran.
Ayon kay David A. Gross na siyang nagpapatakbo sa consulting firm na Franchise Entertainment Research . . . “This is a very good opening under difficult conditions. The Delta variant is taking a toll.”
Samantala, nasa ikalawang puwesto ang horror feature na “Don’t breath 2” na kumita ng $10.6 million sa unang linggo ng pagpapalabas nito.
Pumangatlo ang Disney family adventure film na “Jungle Cruise,” na ibinase sa isang theme park ride. Kumita ito ng $9.1 million.
Pang-apat sa box office ang “Respect,” isang biopic tungkol sa soul queen na si Aretha Franklin na kumita ng $8.8 million at panglima ang supervillain movie na “The Suicide Squad” na kumita naman ng $7.5 million.
Ang iba pang nasa Top 10 ay ang:
“Old” ($2.4 million)
“Black Widow” ($1.9 million)
“Stillwater” ($1.3 million)
“The Green Knight” ($1.2 million)
“Space Jam: A New Legacy” ($1.1 million)
Agence France-Presse