Free WIFI sa EDSA hindi bababa sa 10Mbps lang ang bilis ayon sa DICT
Aabot lang sa 10Mbps ang magiging bilis ng libreng WIFI na maaring magamit ng mga commuter at motorista sa EDSA.
Ito ay ayon kay Department of Information and Communications Technology Undersecretary for Special Operations Eliseo Rio Jr.
Paliwanag ni Rio, nakasailalim ang nasabing kautusan sa ipinalabas ni DICT Secretary Rodolfo Salalima na ang dapat na maging bilis ng free public WIFI sa EDSA ay hindi bababa sa dalawang digit.
Kinumbinsi naman ng ahensya ang publiko na magsampa ng reklamo sa DICT sakaling marara nasan ang mas mababa sa 10Mbps na internet speed sa EDSA WIFI.
Matatandaan na sinimulan kahapon ng kagawaran ang free public WIFI service , kasabay ng pagdiriwang ng bansa ng ika isandaan at labing siyam (119th) na pagdiriwang ng Independence Day.
Ang mga hotspot area ng nasabing WIFI ay lahat ng stations at in between stations ng MRT.
Ulat ni: Earlo Bringas