French ‘Ice man,’ nagtakda ng bagong world record sa freezing glass cabin
WATTRELOS, France (AFP) – Nagtakda ng isang world record ang frenchman na si Romain Vandendorpe, para sa pinakamahabang oras ng pag-upo habang nakalubog sa ice cubes.
Ginawa ni Vandendorpe ang naturang extreme challenge, upang makatipon ng salapi para sa mga batang may kanser.
Ang 34-anyos na health worker ay namalaging nakalubog sa ice cubes na abot hanggang sa kaniyang leeg habang nakaupo sa loob ng isang plexiglass cabin, sa loob ng dalawang oras, 35-minuto at 43-segundo para ma-break ang naunang record na 40-minutes na ginanap sa northern French town ng Wattrelos.
Aniya, nagsanay siya para ma-overcome ang “human limits” sa pamamagitan ng neuro-cognitive techniques base sa “imagination and concentration” para mailagay ang kaniyang sarili sa isang “state of daydreaming.”
Ang challenge ay nasaksihan ng may 50 katao.
Kabilang sa training techniques ni Vandendorpe ay ang pag-upo sa isang ice-cold jacuzzi, nagsanay din siya sa isang 500-litre freezer at ang matagal na pananatiling nakabaon sa snow sa French ski resort ng Chamonix.
Target nyang i-donate ang perang malilikom sa Wonder Augustine association na itinayo sa Wattrelos, makaraang masawi ang isang apat na taong gulang na batang babae na tinatawag na Augustine, dalawang taon na ang nakalilipas dahil sa brain cancer.
Ayon sa head ng asosasyon na si Steve de Matos, lahat ay maaaring mag-donate ng isang euro sa bawat minuto ng pamamalagi ni Romain sa ice cubes.
Si Augustine ay nakilala ni Vandendorpe, ilang araw bago ito namatay.
Simple lamang ang mensahe nya sa mga batang nakikipaglaban sa cancer. “Always be hopeful.”
© Agence France-Presse