Fuel delivery nakapasok na sa Gaza
Nagsimula nang gumana bagama’t limitado lamang ang phone at internet services sa buong Gaza, matapos dumating ang fuel delivery nitong Biyernes na ginamit para muling paandarin ang generators na siyang nagbibigay ng power sa mga network.
Ito ang unang delivery simula nang sabihin ng war cabinet ng Israel na papayagan na nito ang regular na delivery.
Sinabi ng isang Palestinian border official, na nasa 17,000 litro (o nasa 4,500 galon) ng fuel ang pumasok sa Gaza nitong Biyernes sa pamamagitan ng Rafah crossing sa Egypt.
Inanunsiyo ng Israel na papayagan nito ang dalawang tanker trucks na makapasok sa Gaza bawat araw, para sa United Nations at communication systems.
Ang nabanggit ay kalahati ng sinabi ng UN na kakailanganin para sa water systems, mga ospital, bakeries at mga trak na nagde-deliver ng humanitarian aid.
Samantala, hindi bababa sa 26 katao ang nasawi sa pag-atake sa isang residential building sa Khan Yunis region sa southern Gaza Strip.
Sinabi ng direktor ng Nasser hospital, na ang pasilidad ay nakatanggap ng 26 na bangkay at 23 katao naman ang ginamot dahil sa serious injuries.