Full protection ng mga Pinoy domestic wokers, dapat munang tiyakin bago pumayag na muling ipadala sa Kuwait

Dapat tiyakin ng pamahalaan ng Pilipinas na legally binding ang Memorandum of Understanding o MOU ng Pilipinas at Kuwait para sa proteksyon ng mga Overseas Filipino workers partikular ang mga Pinoy domestic workers sa nasabing bansa.

Ito ay kahit pa verified at certified ang mga probisyon sa nasabing kasunduan ng Embahada ng Pilipinas at Chamber of Commerce at Foreign Ministry ng Kuwait.

Para kay ACTS-OFW partylist Representative John Bertis, hindi na dapat magpadala pa ng mga Filipino domestic workers sa Kuwait kung hindi rin lang sila mapagkakalooban ng full protection of the law hindi kagaya ng mga skilled, nurses, engineers at iba pang formal workers.

“Ang mga domestic workers sa Kuwait, hindi naman sakop ng Ministry of Labor, sila ay under ng Ministry of Interior kaya I would really recommend and lobby na huwag nang magpadala ng mga Domestic workers sa Kuwait. Saka-sakali man na i-o-open natin ulit ay make sure na 1oo percent silang protected by the law”.- Cong. Bertis

 

==================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *