Full recovery ng Angat dam, asahan pa sa Hulyo – Pag-Asa Hydro-meteorology division
Hindi gaanong napupunta sa water reservoir ng Angat dam ang mga tubig-ulang dala ng thunderstorms kaya hindi pa rin nadaragdagan ang water level sa dam.
Dahil dito, sinabi ni Pag-Asa Hydrologist Elmer Caringal na patuloy ang pagbaba ng elevation ng water level sa Angat.
Kahit madalas ang mga nararanasang thunderstorm hindi ito direktang pumapasok sa reservoir o water shed ng Angat dam.
Bukod dito, nasisipsip pa ng lupa ang mga tubig-ulan dahil panahon ngayon ng tagtuyot at matinding pagka-uhaw n lupa at mga halaman.
Ngayong araw nasa 165.22 meters ang water elevation ng Angat Dam habang nasa 68.63 naman ang elevation ng La Mesa dam.
Gayunman, ang Ambuklao, Binga at San Roque dam ay tumataas naman ang kanilang water elevation.
Kasabay nito, sinabi rin ni Caringal na mga bandang Hulyo pa ang full recovery ng Angat dam.
“Ang ibang tubig natin ay nakakain lang ng lupa dahil dumaraan tayo sa tag-init na uhaw na uhaw ang lupa at mga halaman. Pero by July magsisimula nang tumaas ang Angat dam”. – Hydrologist Elmer Caringal