Fully-vaccinated laban sa COVID-19 sa CALABARZON, higit 3.2M katao na
Umaabot na sa mahigit 3.2 milyong indibiduwal mula sa CALABARZON ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Sa pinakahuling tala ng COVID-19 Vaccination Data Management Unit ng DOH CALABARZON, kabuuang 3,284,504 katao mula sa A1 hanggang A5 priority groups ang nakakumpleto na ng bakuna kontra sa virus.
Katumbas ang nasabing bilang ng 29% ng target na populasyon sa rehiyon na mahigit 11.45 milyon para makamit ang herd immunity.
Ang mga kabilang sa A4 o economic frontliners ang pinakamarami na fully-vaccinated na lagpas 1.17 milyon.
Nasa 3.91 milyong katao naman sa Region IV-A ang nakatanggap na ng unang dose ng anti- COVID vaccines.
Sa kabuuan ay 7,202,685 na ang naturukan laban sa sakit sa CALABARZON.
Moira Encina