Mga Pinoy na nabakunahan kontra Covid-19 dito sa bansa, papayagan nang makapasok sa Hong Kong

Simula sa susunod na linggo o sa August 30, 2021 ay papapayagan nang makapasok sa Hong Kong ang mga manggagawang Pinoy na nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid-19 dito sa Pilipinas.

Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, ito ang naging kasunduan nila sa Hong Kong government basta’t iprisinta lamang ang kanilang vaccine cards na inisyu ng Bureau of Quarantine ng bansa.

Inaasahang mabebenipisyuhan nito ang nasa 3,000 Overseas Filipino Worker na naghihintay ng deployment sa nasabing bansa.

Sa kasalukuyan, sinabi ng kalihim na umaabot sa higit 200,000 OFW ang nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic helper.

Isa ang Hong Kong sa mga bansa sa buong mundo na nagpapatupad ng mahigpit na panuntunan laban sa Covid-19 kung saan nauna nang ipinagbawal na pumasok sa kanilang bansa kahit ang mga fully vaccinated na dayuhan na hindi sa kanilang bansa nagpabakuna.

TL

Please follow and like us: