Fully vaccinated passengers, hindi na kailangang magpakita ng pre-departure COVID-19 test para makapasok sa bansa
Simula sa Mayo 30, hindi na obligadong magprisinta ng pre-departure COVID-19 test ang mga fully vaccinated na biyaherong papasok sa bansa.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, na ito ay matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang kanilang rekomendasyon na padaliin ang travel requirements upang mahikayat ang mas maraming turista na bumisita sa bansa.
Batay sa resolusyon ng IATF, nakasaad na ang isang biyahero ay dapat na 18-anyos at nakatanggap na ng primary doses ng COVID-19 vaccines at isang booster shot.
Exempted rin sa pre-departure RT-PCR requirement ang foreign nationals at Pinoy na nasa edad 12 hanggang 17 anyos na nakatanggap na ng primary vaccines at below 12 din basta kasamang bibiyahe ang fully vaccinated o boostered parents o guardians.
Malaking tulong aniya ito para mapalakas ang lokal na turismo sa bansa at makatulong sa mga nawalan ng kabuhayan.
Sinabi pa ni Puyat na kikilalanin sa bansa ang lahat ng uri ng vaccination certificates kahit saang bansa sila galing.
Sa datos ng DOT mula Pebrero 10 hanggang Mayo 25, 2022, umabot na sa 517,516 foreign tourists ang dumating sa bansa.
Mayorya sa mga ito ay mula sa Estados Unidos, South Korea, Canada, at Australia.
Madz Moratillo