“It’s more fun in the Philippines” slogan, patuloy pa ring gagamitin ayon sa DOT

its

Courtesy of Wikipedia.org

 download
courtesy of wikipedia.org

Nilinaw ng Department of Tourism, na hindi nila iiwan ang lumang slogan na “It’s more fun in the Philippines” kahit na mayroong bagong campaign slogan na “Experience the Philippines”.

Ayon kay Assistant Secretary Frederick Alegre nagdesisyon lang ang DOT na i-tone down ang kampanya na “It’s more fun in the Philippines” dahil sa nangyayaring gulo sa Mindanao.

Giit ng DOT, sa pamamagitan ng bagong slogan na “Experience the Philippines” babagay ito sa pangkasalukuyang lagay ng bansa.

Paliwanag ni Alegre, ang mensahe ng bagong campaign ad ay para mahikayat ang mga foreigner na  magretiro sa bansa.

Inilabas ang  campaign ad na may title na “Sight” noong araw ng kalayaan para mahimok ang mga turista na maranasan ang Pilipinas.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *