“It’s more fun in the Philippines” tourism campaign panatilihin na lang ayon kay Sen. Ejercito
Iginigiit ni Senador JV Ejercito sa Department of Tourism na panatilihin na lang ang campaign slogan na “It’s More Fun in the Philippines” dahil sa kritisismong natatangap ng “experience the Philippines” na bagong tourism ad ng DOT.
Nakatangap ng mga pagbatikos mula sa mga netizen ang bagong campaign slogan ng DOT dahil kapareho umano ito ng campaign slogan ng South Africa noong nakaraang taon.
Ayon kay Department of Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre may pagkakaiba ang dalawang kampanya, tungkol aniya sa tourism ang campaign ad ng South Africa habang ang kampanya ng Pilipinas ay tungkol sa mga nais manirahan dito sa bansa.
Binigyuang diin ni Alegre na ang kampanya na “experience the Philippines ay dumaansa maraming proceso para maipakita ang mensahe nito na tungkol sa retirement.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo