‘Furiosa: A Mad Max Saga’ magkakaroon ng premiere sa Cannes
Magkakaroon ng world premiere sa Cannes Film Festival sa May 15, ang “Furiosa: A Mad Max Saga,” na pinakabagong installment ng post-apocalyptic franchise.
Ang ikalimang pelikula sa serye ay katatampukan ni Anya Taylor-Joy bilang Furiosa, isang karakter na ginampanan ni Charlize Theron sa “Mad Max: Fury Road,” noong 2015 na nagkaroon din ng premiere sa Cannes noong 2015.
Makakasama niya rito si Chris Hemsworth sa papel ng kontrabidang si Warlord Dementus, at bilang Furiosa ay makikipaglaban naman si Taylor-Joy sa ‘hostile gangs’ upang makauwi.
Ang pinakabagong entry, ay muling idinirek ng mismong lumikha ng franchise na si George Miller ng Australia.
Nagsimula ang lahat sa isang action film noong 1979 na sobrang baba ng budget, na siyang naglunsad sa showbiz career ni Mel Gibson. Tungkol ito sa ‘near-future’ Australia na nahaharap sa pagbagsak ng lipunan at kakulangan ng langis.
Mayroon itong dalawang sequels na pinagbidahan ni Gibson noong 1980s, bago muling bumalik ang franchise noong 2015 sa pamamagitan ng “Fury Road,” na lubhang pinuri at kinatatampukan ni Tom Hardy na nagwagi ng anim na Academy Awards.
Si Miller mismo ay may iba’t ibang career, kung saan nagdirek na rin siya ng children’s hits gaya ng “Babe” at “Happy Feet,” maging ng mythological tale na “Three Thousand Years of Longing,” na nag-debut sa Cannes noong 2022.
Ang Cannes Film Festival ay tatakbo mula May 14 hanggang 25, kasama si Greta Gerwig bilang head ng jury at ang buong line-up naman ay nakatakdang inanunsiyo sa April 11.