FVR nangangambang manamlay ang pamumuhunan ng mga negosyante sa bansa dahil sa Martial Law extension
Nangangamba si dating Pangulong Fidel Ramos sa posibleng pananamlay ng pamumuhunan ng mga negosyante sa bansa.
Kasunod ito ng hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ng limang buwan ang idineklara niyang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Ramos, maaaring iwasan ng mga negosyante na mamuhunan sa Pilipinas dahil ang paglalagay ng Martial Law ay pagpapakita ng hindi matatag na seguridad sa bansa.
Samantala, umaasa naman ang miyembro ng 1987 Constitutional Commission na si Atty. Christian Monsod na titingnan sa tamang pananaw ng mga mambabatas ang mga batayan sa hirit na ito ng Pangulo.
Please follow and like us: