G20 hati sa planong buwisan ang mga “super-rich”
Nagbunsod ng dibisyon ang pananaw ng Brazil para sa isang pandaigdigang kasunduan na buwisan ang mga “ultra-rich,” sa ginanap na G20 finance ministers meeting sa Rio de Janeiro, kung saan ibinasura ng Washington ang pangangailangan para sa isang “international accord” tungkol sa usapin.
Ang inisyatiba, na tinalakay sa isang afternoon meeting, ay isang pangunahing prayoridad para sa makakaliwang presidente ng Brazil na si Luiz Inacio Lula da Silva, na sa taong ito, ay siyang namumuno sa G20 grouping ng mga pangunahing ekonomiya sa mundo, ang European Union at ang African Union.
Bago pa man magsimula ang mga pag-uusap, ay tila nais nang takpan ni US Treasury Secretary Janet Yellen ang usapin sa pagsasabing hindi na kailangan ng pandaigdigang kasunduan sa pagbubuwis sa mga bilyonaryo.
Sinabi niya sa mga mamamahayag, “Tax policy is very difficult to coordinate globally. We think that all countries should make sure that their taxation systems are fair and progressive.”
Gayunman, para sa mga sumusuporta sa plano, ang pangunahing hakbang ay ang isama ang usapin sa agenda.
Pagkatapos ng pulong, ay nagpahayag ng kaniyang tiwala si Fernando Haddad, ang Economy Minister ng Brazil sa naturang inisyatiba, at sinabing, “a final ‘declaration’ to be published Friday would mark a ‘first’ step.”
Aniya, “This communique will take up the Brazilian proposal to start looking at international taxation, not only from the point of view of companies, but also from the point of view of individuals called the super-rich.”
Ayon sa nilalaman ng isang draft ng deklarasyon, “G20 members would ‘seek to engage cooperatively to ensure’ that ultra-high-net-worth individuals are effectively taxed. Wealth and income inequalities are undermining economic growth and social cohesion and aggravating social vulnerabilities.”
Nakasaad pa sa draft, “International cooperation could help promote ‘fair, and progressive tax policies’ without mentioning any taxes negotiated at the international level.”
Ayon sa isang participant sa pulong na ayaw magpabanggit ng pangalan, “There is no consensus today to create a global tax on the capital of multimillionaires. The idea is to have the theme on the agenda and the first steps discussed.”
Ang pagnanais ng Brazil para sa isang pangdaigdigang kasunduan para buwisan ang pinakamayaman sa mga mayayaman, ay suportado ng France, Spain, South Africa, Colombia at ng African Union.
Sa paglulunsad ng inisyatiba upang labanan ang kagutuman, na isa pang proyekto na nangunguna sa agenda ng G20 ay sinabi ni Lula, “Some individuals control more resources than entire countries.”
Sinabi ni Haddad sa media, na ang pagbubuwis sa mga bilyonaryo ay makatutulong upang pondohan ang laban kontra kagutuman.
Batay sa isang pag-aaral na isinagawa ng non-governmental organization na Oxfam na inilathala noong Huwebes, ang ‘global inequality’ ay patuloy na lumawak nitong nakalipas na mga taon.
Ang isang porsiyento ng mga pinakamayayaman sa mundo, ay kumita ng mahigit sa $40 trilyon sa loob ng isang dekada, ngunit ang kanilang buwis ay nasa ‘makasaysayang’ mababang rate, batay sa pag-aaral.
Sa pagtaya ng French economist na si Gabriel Zucman, isang consultant sa G20 tungkol sa taxation issues, ang tax rate para sa mga bilyonaryo ay kumakatawan lamang sa 0.3 porsiyento ng kanilang kayamanan.
Ayon kay Zucman, “For the first time in history, there is now a consensus among G20 countries that the way we tax the super-rich must be fixed, and a commitment to work together for this. It’s an important step in the right direction.”
Subalit, hindi lamang ang Washington ang nag-aalangan dito.
Sa bisperas ng G20 meeting, sinabi ng finance ministry ng Germany na ikinukonsidera niya ang ideya ng isang minimum wealth tax na “irrelevant.”
Ang pagpupulong ng finance ministers sa Rio ay nagbukas sa isang sesyon sa pandaigdigang ekonomiya, bunsod nang pagbagal ng inflation sa maraming bahagi ng mundo, pagkatapos ng isang “surge” dulot ng giyera sa Ukraine at iba pang kadahilanan.
Nitong Biyernes, pinag-usapan nila ang climate transition at utang sa kanilang huling pagpupulong bago ang G20 summit sa Nobyembre 18 at 19.
Itinatag noong 1999, ang Group of 20 ay samahan ng 19 sa pinakamalaking economic powers, pati na rin ng European Union at African Union.
Ang organisasyon ay orihinal na nakatutok sa mga pandaigdigang isyu sa ekonomiya, ngunit habang tumatagal ay tumalakay na rin ng iba pang matitinding hamon, kahit na ang mga estadong miyembro nito ay hindi palaging nagkakasundo kung ano ang dapat na nasa agenda.
Sa isang pahayag ay sinabi ng Brazil, “Member states were divided over whether crises such as the conflicts in Ukraine and Gaza should be addressed at the G20.”
Ang pagkakabaha-bahagi sa loob ng G20, kung saan miyembro rin ang Russia, ay nagpahirap sa pagbuo ng isang joint communique.
Ang huling pulong ng finance ministers sa Sao Paulo ay nabigong magpalabas ng nabanggit na statement.
Sinabi ni Tatiana Rosito, isang senior official sa economy ministry ng Brazil, “Brazil hopes to publish three texts after the meeting. Aside from a joint final communique, this would include a document on ‘international cooperation in tax matters’ and a separate communique from Brazil on geopolitical crises.”