Gabay para sa ligtas na implementasyon ng face-to-face classes, inilabas na ng Deped
Dahil magsisimula na ang pilot implementation ng limited face-to-face (F2F) sa mga piling paaralan sa Nobyembre a-15, inilabas na ng Department of Education o DepEd ang protocols at minimum health standards.
Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng kaisa rito.
Ang poster (sa Filipino at English) ng mga gabay na dapat sundin ng mga mag-aaral, mga guro at mga magulang para sa maayos at ligtas na pagpapatupad ng F2F classes ay maaaring i-download mula sa link na ito: https://drive.google.com/drive/mobile/folders/192HAVDolQZwEIZR0H2hd_Jj5c5cEPpLk/15Sj3R10HxNz0leS2mJxlJFZFO4lfrd0l/1FsiWm1PceX7ZOYHSKBSGZFwz0qgLjKk6?usp=sharing&sort=13&direction=a