Gabay sa tamang pagkuha ng blood pressure dapat malaman ng publiko – ayon sa mga eksperto

Hindi dapat balewalain ang altapresyon o pagkakaroon ng mataas na Blood Pressure.

Ayon sa mga eksperto, itinuturing na silent killer ang pagkakaroon nito.

Kapag napabayaan ang mataas na blood pressure, malaki ang posiblidad na lumabas ang ibat’ibang kumplikasyon nito tulad ng stroke.

Sa datos ng  Philippine Society of Hypertension o PSH ,  40 milyong Filipino  o isa sa bawat apat na Filipino ang Hypertensive.

Sa pagtaya ng PHS,  80 porsiyento naman ang hindi alam na sila ay Hypertensive.

Samantala, binibigyang diin ng psh na kailangan ang tamang gabay sa pagkuha ng blood pressure upang makatiyak na tama ang makukuhang datos.

Mas madali na umano ang pagkuha ng blood pressure dahil sa may tinatawag na digital BP monitoring device.

Mahalaga aniya na malaman natin ang ating home blood pressure.

Dr. Bimbo Diaz, Neurologist, Stroke & Hypertension specialist:

“So bakit iba iba ang nakukuha nilang blood pressure,  alam mong answer diyan, kasi they are not thought  how to accurately measured they blood pressure. parang ano yan eh, gusto mo sumakay sa eroplano, halika tara na, lipad na tayo,  hindi di ba?…may mga minimum checklist na kailangang i prepare  nating sarili before we even try to measure our blood pressure”.

Payo ng mga eksperto mula sa PHS, kailangang tingnan natin ang ating health condition sa pamamagitan ng ating Blood pressure, kung kaya, mahalaga na ito ay regular na iminomonitor.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *