Gabinete inatasan ni Pangulong Duterte na pag-aralan ang pagtataas ng sahod ng mga guro at iba pang empleyado ng gobyerno
Tiniyak ng Malakanyang na gagawa ng paraan kug papaano maitataas ang sahod ng mga gruro at iba pang empleyado ng gobyerno.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa briefing sa Malakanyang na kabilang sa agenda ng pinakahuling cabinet meeting ang ukol sa salary increase ng mga kawani ng pamahalaan.
Ayon kay Roque tatapusin muna ang huling tranche ng salary standardization sa mga manggagawa sa gobyerno.
Inihayag ni Roque matatapos ang huling tranche ng salary standardization sa 2019.
Niliwanag ni Roque magsisimula ang paghahanap ng pondo para sa salary increase ng mga guro at iba pang kawani ng pamahalaan na labas sa salary standardization law ay sa taong 2020.
Magugunitang nauna ng tinaasan ni pangulong duterte ang suweldo ng mga pulis at sundalo na labas sa salary standardization law na naging epektibo noong Enero ng taong kasalukuyan.
Ulat ni Vic Somintac