Galaw Pilipinas, inilunsad ng DepEd

Screengrab from DepEd Philippines Facebook page

Pormal nang inilunsad ng Department of Education ngayong araw (Miyerkoles), ang Galaw Pilipinas, isang national calisthenics exercise program na halaw sa mga katutubong sayaw ng Pilipinas, festival movements, at arnis stances bilang pagpupugay sa national sport ng bansa.

Ang calisthenics ay strength training exercises na nangangailangan ng kakaunti o hindi na gagamit ng equipment.

Ang Galaw Pilipinas ay isang maikling routine na isasama sa regular exercose schedules ng mga paaralan at community learning centers.

Maaari rin iyong gawin para sa limited in-person classes at distance learning.

Screengrab from DepEd Philippines Facebook page

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones . . . “We developed Galaw ng Pilipinas as a response to the impact of the pandemic to our learners’ reduced physical activities that affected their overall health. Our role in promoting physical fitness and a healthy lifestyle among our learners has become even more relevant and essential.”

Target ng routine na i-promote ang isang active lifestyle sa mga Filipinong mag-aaral mula 5-17 taong gulang.

Ang bagong routine ay maaaring isagawa ng mga dadalo sa limited face-to-face classes tuwing flag ceremony, flag retreat, bago magsimula ang klase, o alinmang school-initiated activities.

Samantala, maaari naman itong gawin ng mga nasa ilalim ng distance learning program sa kanilang weekly home learning plans.

Screengrab from DepEd Philippines Facebook page

Hahayaan naman ng DepEd ang mga paaralan na iba-ibahin ang intensity ng Galaw Pilipinas routine batay sa pangangailangan at backgrounds ng kanilang mga estudyante, laluna kung sila ay kabilang sa learners with disabilities.

Ayon sa ahensiya, itinatag nila ang bagong routime matapos konsultahin ang iba’t-ibang stakeholders kabilang ang supervisors ng physical education classes at implementors ng special sports programs.

Ang Galaw Pilipinas tutorials ay maaaring ma-access ng field officers, mga guro at mga mag-aaral sa link na ito: (https://tinyurl.com/DepEd-Galaw-Pilipinas.

Ang mga video ay ipo-post din sa Facebook page ng DepEd, DepEd TV, at sa DepEd Learning Management System.

Please follow and like us: