Gastos ng mga biktima sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3, dapat sagutin ng may-ari – Senador Go

Inoobliga ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang may-ari ng nasunog na MV Lady Mary Joy 3 na tumulong sa pagpapalibing at gastusin sa ospital ng mga biktima.

Sinabi ni Go na dapat magkusa ang Aleson Shipping Lines Inc. na mag-alok ng tulong dahil responsibilidad at obligasyon nila na asikasuhin ang mga biktima at mga pamilya ng mga nasawing pasahero.

MulIng kinalampag ni Go ang Philippine Coast Guard (PCG) na maging mahigpit sa pagpapatupad ng mga batas at restrictions sa mga barko upang hindi na maulit ang trahedya.

Una nang nasunog ang MV Lady Mary Joy 3 habang naglalayag patungong Jolo, Sulu mula sa Zamboanga City ala-10:40 ng gabi noong March 29 at naapula ang apoy dakong 7:30 ng umaga, March 30.

“Lahat ng klase mula sa bangka hanggang sa commercial passenger ships at container ships, wag na nating antayin na merong lumubog, wag na nating antayin na meron pang masunog, wag na nating antayin na meron pang mga disaster na nangyayari po dyan sa karagatan.”- Senador Go

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Senador sa pamilya ng mga nasawi.

Kasabay nito, tiniyak ni Go na mananagot ang mapatutunayang maysala at nagpabaya kung bakit nakapaglayag ang barko kung may problema pala ito.

Nakalulungkot na after ng oil spill sa Mindoro, panibago na namang trahedya ang nangyari dito sa karagatan. Tingnan na mabuti ang sea worthiness ng mga vessel na naglalayag sa dagat at ako po ay nalulungkot na mayroon mahigit 30 ang nasawi, naiulat sa ngayon ay 31 ang nasawi, nakikiramay ako sa pamilya. Tingnan natin na mabuti kung sino ang dapat managot at kung responsibilidad ito ng may-ari ng vessel ay asikasuhin ninyo ang pamilya ng mga namatay,”.

Samantala, sinimulan na ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang marine safety investigation sa nasunog na MV Lady Mary Joy 3 na ikinamatay ng 31 pasahero.

Inatasan ng MARINA ang mga tauhan nito na magsagawa ng surveys at inspeksyon sa lahat ng barko na pagmamay-ari ng Aleson Shipping Lines.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *