Gastos sa eleksyon ng mga kandidato, dapat sagot ng gobyerno para maiwasan ang overspending- Malakanyang
Binuhay ng Malakanyang ang panukalang sagot ng gobyerno ang lahat ng gastos ng mga kandidato tuwing magsasagawa ng eleksyon sa bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo isa sa problema tuwing eleksyon ay ang malaking gastos.
Ayon kay Panelo tuwing eleksyon ay nangangalap ng malaking pondo ang mga political parties at mga kandidato.
Batay sa kasaysayan ng politika sa bansa karamihan sa mga politiko ay tumatanggap ng campaign funds sa kanilang mga sponsors na kinabibilangan ng mga malalaking negosyante na nagbibigay daan para maimpluwensiyahan ang pamamalakad ng mga nananalong politiko sa ibat-ibang posisyon.
Inihayag ni Panelo na dapat gayahin ng Pilipinas ang Amerika kung saan sagot ng gobyerno ang pondo na ginagamit ng mga politiko sa eleksyon.
Ulat ni Vic Somintac