Gastritis o Hyperacidity, maaaring humantong sa Ulcer kung hindi aagapan

 

Hindi dapat na nalilipasan ng gutom dahil magiging sanhi ito ng paghapdi ng sikmura.

Ito ang ipinapayo ng mga eksperto upang maiwasan na maranasan ang hyperacidity o gastritis.

Kung hindi daw maagapan ang naturang kundisyon ng katawan, maaari itong mauwi sa ulcer.

Ayon sa eksperto, hindi lang daw gamot ang solusyon sa paghapdi ng sikmura.

May iba pang paraan upang lunasan ang nararamdamang paghapdi ng sikmura.

Kabilang dito ang  pagkain sa tamang oras, sabi nga small but frequent meals.

Mainam din daw na kumain ng saging at tinapay. natatapalan umano ng saging ang humahapding sikmura.

Dapat din na dalasan ang pag inom ng tubig…tuwing ikalawang oras kahit na hindi nauuhaw ay mainam na uminom ng tubig.

Binigyang-diin pa ng mga eksperto na hindi na kailangan ng gamot sa ordinaryong paghapdi ng sikmura.

Dapat daw na kumain ng mga pagkaing  makatutulong upang marelax  ang tiyan, tulad ng saging, tinapay, kanin, lugaw at gulay.

Tandaan, kahit ang ating tiyan ay nakararanas ng stress kung kaya mainam na relax din  ang katawan habang kumakain.

 

Ulat ni Belle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *