Gaza magiging tema ng usapan sa pulong ng Arab, Muslim bloc sa Saudi
Nasa kabisera ng Saudi ang Arab leaders at pangulo ng Iran ngayong Sabado para sa isang summit meeting, na inaasahang magbibigay-diin sa mga kahilingan na matapos na ang digmaan ng Israel sa Gaza bago pa sumali sa karahasan ang iba pang mga bansa.
Ang emergency meeting ng Arab League at ng Organisation of Islamic Cooperation (OIC), ay gagawin matapos ang madugong pag-atake ng Hamas militants sa Israel noong Oktubre 7.
Sumama na rin ang aid groups sa mga panawagan para sa isang ceasefire, na nagbababala ng isang humanitarian “catastrophe” sa Gaza, kung saan nagkukulang na ngayon sa suplay ng tubig, pagkain at gamot.
Dapat ay bukod ang magiging pagpupulong ng Arab League at OIC, ngunit inanunsiyo ng Saudi foreign ministry ngayong Sabado na pag-iisahin na lamang ang mga summit.
Sa ulat ng official Saudi Press Agency, nakasaad na ang hakbang ay magbibigay-diin sa kahalagahan na maabot ang isang “unified collective position that expresses the common Arab and Islamic will regarding the dangerous and unprecedented developments witnessed in Gaza and the Palestinian territories.”
Sinabi ni Arab League assistant secretary-general Hossam Zaki, “The Arab League aims to demonstrate ‘how the Arabs will move on the international scene to stop the aggression, support Palestine and its people, condemn the Israeli occupation,’ and hold it accountable for its crimes.”
Ngunit sinabi ng Palestinian militant group na Islamic Jihad nitong Biyernes, na wala silang “inaasahang anuman” mula sa pulong, na binabatikos ang Arab leaders para sa pagkaantala.
Sinabi ni Mohammas al-Hindi, deputy secretary-general ng grupo sa isang press conference sa Beirut, “We are not placing our hopes on such meetings, for we have seen their results over many years. The fact that this conference will be held after 35 days (of war) is an indication of its outcomes.”
Tumanggi ang Israel at pangunahin nitong tagasuporta na Estados Unidos sa mga kahilingan para sa isang tigil-putukan, isang posisyon na inaasahang makatatanggap ng matinding pagbatikos.
Ayon sa Saudi analyst na si Aziz Alghashian, “This is not just about Israel-Palestine — this is about what is facilitating Israel to do this, which is basically the United States and the West.”
Ang inaasahang pagdalo ni Iranian President Ebrahim Raisi ngayong Sabado ay marka ng una niyang paglalakbay sa Saudi Arabia mula nang maabot ng dalawang Middle East heavyweights ang isang sorpresang rapprochement deal noong Marso, na nagtatapos sa pitong taon nang naputol na relasyon.
Suportado ng Iran ang Hamas maging ang Hezbollah ng Lebanon at Huthi rebels ng Yemen, kaya’t naging sentro ito ng mga pag-aalala na ang giyera ay maaaring lumawak.
Ang labanan ay nagpasiklab na sa hidwaan sa pagitan ng Israeli army at Hezbollah, at inangkin naman ng Huthis ang responsibilidad para sa “ballistic missiles” na ayon sa mga rebelde ay tinarget ang southern Israel.
Ayon sa mga analyst, lantad ang Saudi Arabia sa potensiyal na mga pag-atake dahil sa malapit nitong ugnayan sa Washington at sa katotohanang ikinonsidera nitong maging normal ang ugnayan sa Israel, bago nangyari ang giyera.
Nitong Biyernes, ay kinondena ng de facto ruler ng Saudi Arabia na si Crown Prince Mohammed bin Salman ang “patuloy na paglabag sa humanitarian law ng mga pag-atake ng Israeli forces” sa una niyang pampublikong komento tungkol sa giyera.
Sinabi naman ni Kim Ghattas, may-akda ng isang libro tungkol sa hidwaan ng Iran at Saudi, sa isang panel na inorganisa ng Arab Gulf States Institute sa Washington, “The Saudis are hoping that the fact they didn’t normalise yet, and the fact that they have a channel to the Iranians, gives them some protection.”
Dagdag pa niya, “And I think the Iranians are hoping that the fact that they’re in touch with the Saudis and maintaining that channel, that it gives them some protection too.”