GCash at GrabPay puwede nang gamitin sa pagbabayad ng court fees
Tumatanggap na ang Judiciary ePayment System (JePS) ng GCash at GrabPay para sa pagbabayad ng court fees.
Ayon sa Korte Suprema, ito ay bahagi ng pagpapaunlad sa JePS para mas maging secure at convenient ang pagbabayad ng litigants at kanilang mga abogado ng court fees online.
Ang JePS ay platform para sa pagbabayad online ng legal fees at ng iba pang mga koleksyon sa hudikatura sa pamamagitan ng major banks at digital wallets.
Layon nito na mas mapadali ang assessment at payment ng court fees, maisulong ang transparency at accountability, at mapagbuti ang accounting at auditing mechanisms ng Korte Suprema.
Maaaring i-access ng litigants ang JePS platform sa https://epayment.judiciary.gov.ph/.
Ilan pa sa payment options sa JePS ang UnionBank online, FortunePay, InstaPay, at PesoNet.
Ang JePS ay naka-deploy sa lahat ng first-level courts at 44 na second-level pilot courts.
Moira Encina