GCQ with some restrictions sa NCR at Bulacan, extended hanggang July 15, 2021
Mananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine with some restrictions ang buong Metro Manila at Bulacan hanggang July 15, 2021. Sa pagkakataong ito, kasama na rin sa isasailalim sa GCQ with some restrictions simula July 1, 2021 ang lalawigan ng Rizal na kasalukuyang nasa GCQ with heightened restrictions.
Mananatili namang nasa ilalim ng GCQ with heightened restrictions ang Laguna at Cavite hanggang July 15, 2021.
Nasa larawan sa ibaba ang iba pang community quarantine classifications na ipatutupad sa iba pang lugar simula July 1, 2021 hanggang July 15, 2021.
Nasa larawan naman sa ibaba ang ibat ibang restrictions na ipatutupad base sa community quarantine protocols.