General Luna, Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng General Luna sa Surigao del Norte.
Naganap ang pagyanig sa 27 kilometrong Hilaga ng nasabing bayan alas-4:04 kaninang madaling-araw.
Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology o Phivolcs, 14 kilometro ang lalim ng lindol at tectonic ang pinagmulan.
Wala namang naitalang intensities ang Phivolcs sa ibang lugar at hindi rin inaasahang magdudulot ito ng pinsala at aftershocks.
=== end ===
Please follow and like us: