Generics Awareness month, ginugunita ng DOH
Batay sa Republic Act 6675 o ang The Generics Act of 1988, ginugunita ang Generics awareness month.
Isa itong long month celebration tuwing sumasapit ang Setyembre sa layuning ipalaganap pang lalo, malaman ng publiko at kanilang tanggapin, gayundin matiyak na may sapat na supply, maging ang distribution at paggamit ng mga gamot na dapat kilalanin sa kanilang Generic name.
Sa ilalim ng naturang kautusan, ini re require ang mga duktor, dentista at maging ang mga veterinarian na ilagay ang generic name ng gamot na kanilang irereseta sa pasyente.
Ang generic names ng mga gamot ay dapat nauunang isulat bago ang kanilang branded name na maaaring ito ay optional at nakalagay sa parenthesis.
Sinumang lalabag sa nabanggit ay makatatanggap ng suspension at pagkansela ng kanilang lisensya.
Ulat ni Belle Surara