Generics awareness month, ginugunita ng DOH ngayong Setyembre samantala, Generics na gamot mabisa at dapat pagtiwalaan, ayon sa mga eksperto

Sa ilalim ng Republic Act 6675 o ang Generics Act of 1988, ipinagdiriwang ang generics awareness month ngayong buwan.

Naglalayon ang naturang selebrasyon na i promote, i require at tiyakin na may sapat na produksyon, supply, distribution, pag gamit at pagtanggap ng  gamot na Generics.

Ang mga doktor, dentista, at veterinarians ay inoobliga na ilagay ang generics name ng lahat ng gamot na kanilang i rereseta sa pasyente.

Kailangang maunang isulat  ang generic name ng lahat ng gamot  bago isulat ang brand names na maaaring optional at nasa loob ng panaklong o parenthesis.

Tatanggap ng suspensiyon o pag-cancel  ng license to operate  ang sinumang  lalabag sa nasabing kautusan sa panig naman ng mga duktor rekomendasyon ng suspension ng lisensya sa professional regulation commission na i practise ang kanilang propesyon.

Ang mga generics na gamot ay dapat na sapat ang supply at may mababang halaga na abot kaya lalo na ng mga indigent patients.

Ang mga generics na mga gamot ay mabisa tiwala lang daw ang kailangan ayon sa mga eksperto.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *