GenSan, numero uno sa Tourist arrivals sa Soccksargen region sa first quarter ng 2017
Itinanghal na numero uno ang General Santos City sa may pinakamaraming tourist arrivals sa unang semestre ngayong taon.
Sa datos ng Department of Tourism o DOT, pumalo sa 800 libong mga turista ang pumasok sa lunsod mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon, mas mataas na 19 na porsyento kumpara sa mahigit 600 libong tourist arrivals noong nakalipas na taong 2016.
Ayon kay City Tourism officer Maria Cora Tito, napanatili ng GenSan ang pagiging number one sa Soccksargen Region sa kabila ng umiiral na Martial Law sa Mindanao.
Samantala, nakapagtala rin ang Soccksargen region ng 21 percent increase o kabuuang mahigit sa 2 milyong tourist arrivals sa unang semestre pa lamang ngayong 2017.
Hindi rin naging hadlang ang Martial law declaration sa matagumpay na pagbubukas ng Tuna Festival sa Gensan.