George W. Bush, dadalo sa inagurasyon ni US President-elect Joe Biden
WASHINGTON, United States (AFP) — Dadalo si dating US president George W. Bush na siang Republican, sa inagurasyon ni US President-elect Joe Biden na isang Democrats at ng bise presidente nitona si Kamala Harris.
Gaganapin ang inagurasyon sa January 20, sa Washington.
Ayon sa tagapagsalita ni Bush na si Freddy Ford, Inaantabayanan ng dating pangulo at misis nitong si Mrs. Bush, ang pagsaksi sa panunumpa ni Biden at Harris.
Sa isang pahayag na tila patama kay President Donald Trump, ay sinabi pa ni Bush na ang pagsaksi sa mapayapang paglilipat ng kapangyarihan ay katunayan ng demokrasya na kailanman aniya ay hindi tatanda.
Hanggang sa kasalukuyan, ay hindi pa rin tinatanggap ni Trump ang kaniyang pagkatalo at hindi pa kinukumpirma kung dadalo siya sa inagurasyon ni Biden.
© Agence France-Presse