Germany, nangako ng dagdag na 50M euros na ayuda para sa mga biktima ng lindol
Dodoblehin ng Germany ang kanilang relief aid sa Turkey at Syria, sa pamamagitan ng karagdagang 50 million euros ($53 million) para sa mga biktima ng mapaminsalang lindol.
Sinabi ni Foreign Minister Annalena Baerbock, “Germany wants ‘to make it clear’ that we, as a global community, see this catastrophe and we support the population.”
Sinabi ito ni Baerbock nang bumisita siya sa Pazarcik, sa southern Turkey, kasama ng German Interior Minister na si Nancy Faeser.
Sa bagong ayuda, 33 million euros ang mapupunta sa Turkey at 17 million sa northern Syria, kayat sa kabuuan ang kontribusyon na ng Germany ay 108 million euros.
Ayon pa kay Baerbock, “We’re trying to get as much aid as possible into Syria, especially in the north of this country, through the crossings that have been opened, but the Syrian regime continues to obstruct the efforts of the United Nations.”
Dalawang linggo makaraan ang sakuna, ang mga tulong ay unti-unti nang dumarating sa northwestern Syria, isang bansang sinira ng giyerang sibil.
Kinumpirma rin ng dalawang opisyal na pagkakalooban ng tatlong buwang visa ang mga biktima ng lindol sa Turkey at Syria na mayroong pamilya sa Germany.
Ayon sa German foreign ministry, nakapag-isyu na sila ng 96 na mga visa.
Humigit-kumulang 2.9 na milyong katao na may Turkish origin ang naninirahan sa Germany. Malaki rin ang Syrian community na tinatayang nasa 924,000.
© Agence France-Presse