Giannis gumawa ng 50 points, Milwaukee Bucks wagi
Pinangunahan ni Giannis Antetokounmpo ang isang makapangyarihang pag-atake ng Milwaukee, kung saan umiskor siya ng season-high na 50 puntos nitong Martes (Miyerkules, oras sa Maynila) nang putulin ng Bucks ang dalawang larong talo nila sa pamamagitan ng 128-119 win laban sa Indiana Pacers.
Naungusan ng Bucks ang Pacers (29-24) sa 4th quarter para sa panalo at isang four-game sweep ng season series.
Humakot si Antetokounmpo ng 14 rebounds at may 17-of-21 shooting at nag-ambag si Khris Middleton ng 19 puntos at walong assists para sa Milwaukee, na umiskor ng 50 porsiyento mula sa field sa ikalimang pagkakataon sa last seven games.
Si Jrue Holiday ay nagtala ng 14 puntos at walong assist, at ang reserve na si Lindell Wiggington ay may career-high na 12 puntos sa panalo ng Bucks.
Nanguna si Buddy Hield sa Indiana na may 36 na puntos at tumama ng walo sa 12 shot mula sa likod ng three point range. Nagtala si Tyrese Haliburton ng 17 puntos at walong assist. Tumipa si Goga Bitadze ng 12 puntos, at nagdagdag si Jalen Smith ng 11.
Ang Milwaukee ay gumawa ng maagang pitong puntos na pangunguna, na ang 12 puntos ay mula kay Antetokounmpo at isang 56.5% na shooting mula sa field sa unang quarter. Labing-walo sa kanilang unang 34 puntos ang pumasok.
Inatake ng Bucks ang basket sa kabuuan ng first half, na naitala ang 28 sa 46 shot (60.9%).