Giannis, top pick ni LeBron sa All-Star squad
LOS ANGELES, United States (AFP) – Si Giannis Antetokounmpo, ang top pick ni LeBron James para sa kaniyang NBA All-Star Game line-up, habang ang top pick naman ng rival captain nito na si Kevin Durant, ay ang Brooklyn team-mate niyang si Kyrie Irving.
Ang Los Angeles Lakers superstar na si James ang may karapatan para unang pumili mula sa kalipunan ng mga manlalaro, matapos niyang manguna sa boto para sa All-Star game, ay hindi nag-aksaya ng panahong kunin ang kasalukuyang MVP ng NBA na si Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks.
Si Durant, ay magsisilbing non-playing captain sa laro sa Linggo na gaganapin sa Atlante, dahil sa kaniyang injury.
Kasama rin sa starting line-up ni James si Golden State Warriors star Steph Curry, Dallas Mavericks guard Luka Doncic at in-form Denver Nuggets power forward na si Nikola Jokic.
Bukod naman kay Irving ay pinili rin ni Durant na makasama sa kaniyang line-up si Philadelphia 76ers power forward Joel Embiid, at Los Angeles Clippers talisman Kawhi Leonard.
Para makumpleto ang Team Durant starting line-up, ay idinagdag pa niya sina Washington Wizards league-leading scorer Bradley Beal, at Jayson Tatum ng Boston.
Ang All-Star game sa Linggo ay itinakda habang mid-season break, na ang unang layunin ay bigyan ang bawat manlalaro ng pahinga bilang bahagi ng isang restructured campaign, dahil na rin sa mas pinaiksing off-season.
Nitong nakaraang buwan ay binatikos ni James at ng iba pang top players ang desisyon ng liga na ituloy ang laro, kung saan sinabi ni James na isa iyong sampal sa mukha ng napapagod nang mga manlalaro.
Ang All-Star festivities na kaakibat ng game ay hindi na itutuloy at wala ring live audience na papayagang manood, ang parties o special events ay plinanong makasabay ng game, na nakaugalian nang maging highlight ng NBA calendar.
Narito ang All-Star Game squads:
Team LeBron
Starters: LeBron James, Giannis Antetokounmpo, Stephen Curry, Luka Doncic, Nikola Jokic
Reserves: Damian Lillard, Ben Simmons, Chris Paul, Jaylen Brown, Paul George, Domantas Sabonis, Rudy Gobert
Team Durant
Starters: Kyrie Irving, Joel Embiid, Kawhi Leonard, Bradley Beal, Jayson Tatum
Reserves: James Harden, Devin Booker, Zion Williamson, Zach LaVine, Julius Randle, Nikola Vucevic, Donovan Mitchell
Note: Kevin Durant non-playing captain.
© Agence France-Presse