Giant jade stone na nadiskubre sa Myanmar
Nahukay ng mga minero sa Kachin State sa Northern Myanmar ang isang tipak ng stone jade na may sukat na 19 feet at may bigat na 192 tons.
Pinaniniwalaan itong nagkakahalaga ng 170 million us dollars.
Sa ngayon ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na may nahukay na higanteng jade stone sa buong mundo at itinuturing ding isang geological wonders.
Nakatakda na itong dalhin sa China at doon ito i-proproseso at lililukin para gawing alahas at iba pa.
Ulat ni: Violy Escartin
Please follow and like us: