Ginamit na gitara ng Beatles member na si George Harrison, posibleng mabili ng hanggang $800,000
Posibleng mabili ng mahigit sa walongdaang libong dolyar, ang isang electric guitar na ginamit ng gitarista ng Beatles na si George Harrison.
Ang nabanggit na gitara ay nakatakdang isubasta mula Nov. 20-22 sa Estados Unidos, ngunit bago ito ay idi-display muna ang gitara sa The Beatles Story sa Liverpool, England at sa iba pang museums sa magkabilang panig ng Europe.
Martin Nolan of Julien’s Auctions holds a ‘Futurama’ guitar that used to belong to the late George Harrison, former member of The Beatles, at a press conference held by Julien’s Auctions to announce its forthcoming sale by auction in Liverpool, Britain, October 3, 2024. REUTERS/Phil Noble
Ang gitara na binili mula sa isang music store sa birth city ng banda na Liverpool, ginamit ni Harrison ang Futurama guitar sa mga unang bahagi ng 1960s nang magtanghal ang Beatles sa Cavern Club, sa kanilang tour sa Germany at sa una nilang official recording para sa Polydor.
Sinabi ng auctioneers na ang Futurama guitar, na may sunburst finish, ang isa sa pinakagamit na gitara ni Harrison.
Tinawag nila itong “one of the holy grails of historic Beatles guitars” at sinabing inaasahang malalampasan nito ang estimate price tag na $600,000-$800,000.
The front cover of The Beatles album, “Anthology”, which is a painting by long-time Beatles associate Klaus Voormann/File Photo
Ayon kay Harrison, “The guitar was ‘very difficult’ to play but I liked its ‘futuristic’ look. It had a great sound.”
Noong 1964, ay idinonate ni Harrison ang gitara sa isang rock magazine bilang isang competition prize, ngunit nanatili ito sa pag-iingat ng editor ng publikasyon, nang piliin ng winner ang cash prize sa halip na ang gitara na bahagi na ng kasaysayan ng rock and roll.