Ginastos ng NGCP sa Entertainment at Advsertisement, bubusisiin ng Senado
Iimbestigahan na rin ng Senate Committee on Energy ang paggastos ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ng mahigit isang bilyong piso para sa Entertainment, Advertising at Public Relations.
Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na aalamin ng Senado kung ang naturang gastusin ay ipinapasa rin ba ng NGCP sa mga consumers.
Kailangan aniyang sagutin ang isyung ito sa pangambang ipinapataw rin ito sa bayarin ng mga customers.
Nauna nang sinabi ni Senador Risa Hontiveros na lahat ng cost ng utility ay naipapasa sa consumers kaya may posibilad na taumbayan ang nagbayad ng kanilang advertisement.
Kuwestyon ng Senador para saan ang entertainment at gaano pa kalaking pera ang ginagastos para sa mga bagay na wala namang kinalaman sa kanilang operasyon.
Gumastos rin aniya ang NGCP ng 225 bilyong piso para sa expansion at upgrade ng kanilang infrastructure na nagresulta kaya maraming transmission projects ang delayed at nakatengga pa rin.
Meanne Corvera