Ginawang adjustment ng Senado at Malacañang para sa pag-import ng baboy at pagbaba ng buwis, aprubado na
Aprubado na ang ginawang adjustment ng Senado at Malacanang para sa pag-iimport ng baboy at pagbaba ng ipapataw na buwis para dito.
Sinabi ni Senate President Vicente Sotto na nagbigay na ng go signal si Finance Secretary Sonny Dominguez para umangkat ng baboy matapos ang dayalogo sa Senado.
Sa nabuong Compromised Agreement, Sa halip na 404,000 metric tons, babawasan ang minimum access volume o aangkating baboy na aabot na lang sa 254,000 metric tons.
Itoy para hindi bumaha ang suplay at hindi naman masyadong tamaan ang nasa local hog industry.
Sa isyu ng ipapataw na buwis mula 30 percent babawasan lang ng 10 sa unang tatlong buwan ng implementasyon habang itatas ito sa 15 percent pagkatapos ng ikatlong buwan.
Sa mga aangkating baboy na hindi kasama sa m-a-v, babawasan ng 20 percent ang tariff rates mula sa kasalukuyang 40 percent sa loob ng tatlong buwan na itataas sa 25 percent sa mga susunod ba buwan.
Nauna nang iginiit ng Department of Finance na kailangang umangkat ng baboy para magkaroon ng stable na suplay sa merkado.
Itoy para hindi na maapektuhan ang inflation at interest rate na tinutulan naman ng mga hog raisers sa pangambang mamatay ang lokal na industriya.
Gayunman ito ay pansamantala lamamg habang may kakapusan ng suplay ahil sa epekto ng african swine fever.
Pagtiyak ni Sotto na nakonsulta rin nila sa bagong kasunduan ang samahan ng mga local hog raisers at mga senador at wala namamg tumutol.
Meanne Corvera