Global Coronavirus Infections, mahigit 20.2 milyon na
Lagpas 20 milyon na ang naitalang mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, mahigit kalahati nito ay sa Americas base sa tally ng Agence France Presse ( AFP ) mula sa official sources nito as of August 10.
Ayon sa ulat, pumalo na sa 20,002,577 ang mga nagpositbo habang 733,842 na ang pumanaw. Mahigit 4 mula sa 10 mga kaso ay mula sa Estados Unidos at Brazil kung saan ang mga bansang ito ang pinakagrabeng naapektuhan ng pandemya sa mundo.
Ang Estados Unidos ay nakapagtala na ng 5,075,678 cases at 163,282 deaths habang ang Brazil naman ay mayroong 3,057,470 infections at 101,752 deaths.
Pinakamalalang tinamaan naman sa rehiyon ang Latin America at Caribbean na may 5,601,470 cases at 221,281 deaths at patuloy na nakararanas nang mabilis na pagkalat ng sakit na may 576,583 new infections na naiulta sa nakalipas na pitong araw.
Sinundan ito ng Asia (495,663), Canada at US (379,017), Europe (153,879), Africa (89,644), Middle east (74,588) at Oceania (3,372).
Ang Canada at Estados Unidos ang pangalawa sa pinakamalubhang tinamaan sa buong rehiyon na may 5,195,417 kaso at 172,300 ang nasawi, sinundan ito ng Asia (3,493,026 cases, 72,486 deaths), Europe (3,374,166 cases, 213,484 deaths) at ang Middle East (1,257,417 cases, 30,363 deaths).
Ang Africa na may 1,057,730 infections, 23,582 deaths, na siyang least-affected na kontinente pagkatapos ng oceania (23,351, 346), ay nakapagtala ng mahigit kalahati ng mga kaso nito sa South Africa.
Ang India naman ang bansang may pinakamaraming naitalang bagong infections sa nakalipas na isang linggo (402,287), naungusan nito ang Estados Unidos (376,471), na noong Linggo ay nilampasan nito ang limang milyong naitalang mga kaso. Kasunod naman ang Brazil (301,745), Colombia (69,830) at Peru (49,174), sa mga bansang lubhang naapektuhan ng pandemya.
Ang bilis ng paglaganap ng pandemya sa buong mundo ay namamalagi kung saan dagdag na isang milyon ang nadiskubre sa nasa kada apat na araw, simula noong kalagitnaan ng Hulyo.
Agence France Presse