Global performance ranking ng Pilipinas sa mobile at broadband, tumaas noong Disyembre 2021
Tumaas ang global performance ranking ng Pilipinas sa mobile at broadband noong Disyembre ng 2021.
Sa pinakahuling Ookla Speedtest Global Index,
umakyat na sa ika-63 ang Pilipinas sa fixed broadband speed mula sa 178 na bansa at 89th naman sa mobile speed mula sa 138 na bansa.
Batay sa Ookla Speedtest Global Index, mula sa dating 46.44 MBPS noong Nobyembre ay bumilid pa sa 50.26 MBPS ang fixed broadband sa bansa nitong Disyembre.
Ang latest download speed na ito ay nangangahulugan ng 8.22% month to month at 9 notch improvement sa global ranking para sa fixed broadband.
Maging ang mobile speed sa bansa ay tumaas rin.
Kung saan mula sa 18.68 MBPS ay umangat ito sa 19.20 MBPS.
Nangangahulugan ito ng 2.78% month to month na pagtaas ng mobile speed.
Madelyn Moratillo