Globe nagtala ng improvements sa download at upload speeds Q4 2021–Ookla
Nagtala ng quarterly improvements ang Globe mobile network sa average download at upload speeds, consistency score, at speed score.
Batay sa Q4 2021 data ng Ookla®, ang Globe ay nagtala ng 51% improvement sa download speeds at 24% sa upload speeds
Tumaas din ang consistency score ng telco kung saan naitala ang improvement mula 70.59 sa Q1 2021 sa 78.82 sa Q4 2021 na kapantay ng global benchmarks.
Maging sa Speed Score™ay nagtala rin ang Globe ng pagtaas mula 12.27 sa Q1 2021 sa 18.51 sa Q4 2021.
Ayon kay Globe President and CEO Ernest Cu, nag-adopt sila ng mas advanced na teknolohiya at mas pinalawig ang reach ng imprastraktura upang magkaroon ng top-notch na serbisyo sa mga customers.
Ang network aniya ay sumusuporta sa United Nations Sustainable Development Goals partikular sa papel ng imprastruktura at innovation bilang mahalagang tagapagsulong ng economic growth at development.
Madelyn Moratillo