Glycemix Index ng pagkain, mahalagang malaman upang maiwasan ang obesity at overweight
Napakahalagang malaman ng isang tao ang role ng glycemix index sa pagpapababa ng timbang upang hindi humantong sa pagiging obese at overweight.
Sinabi ni Indonesian – based Dr. Pak Rimbawan, Nutrition Advisory Board Member ng isang kilalang Global Health and Nutrition Company, na kapag hindi naagapan ang pagtaas ng timbang, magdudulot ito ng iba’t-ibang non-communicable diseases tulad ng heart disease, hypertension, diabetes at iba pa ba.
Ayon kay Dr. Rimbawan, ang G.I. ay isang paraan upang sukatin ang abilidad ng isang pagkain na pataasin ang antas ng blood sugar pagkatapos na kumain.
Paliwanag ni Dr. Rimbawan, ang G.I. ay binubuo ng mga numerong zero hanggang 100.
Aniya, ang mga pagkaing may mababang G.I. ay mas mabagal magpataas ng blood sugar level kaysa sa mga pagkaing mataaas na G.I.
Mababa aniya ang G.I. ng isang pagkain kung ang antas o grado nito ay mababa sa 55.
Mataas naman ang G.I. ng isang pagkain kung ang natas o grado nito ay mataas sa 70.
Binigyang diin ni Dr. Rimbawa na ang isang balanced diet ay may carbohydrates, protein, fat, vitamins at minerals.
Aniya, para sa isang malusog na pagkain, mainam na piliin ang good carbohydrates at hindi naman No to Carbohydrates, ikunsidera ang mga uri ng fats, saturated, mono at polyunsaturated fats, piliin din ang fiber, dagdagan ang pagkain ng prutas at gulay, dagdagan ang pag-inom ng tubig, kontrolin ang pagkain ng maalat, matatamis at mga pagkaing sagana sa fats o taba.
Dagdag pa ni Dr. Rimbawan na dapat din na magkaroon ng mindful eating: kaunti lamang ang kainin, huminto kapag busog na at huwag madaliin ang pagnguya o pagkain.
Belle Surara