GMRC, ipinasasama bilang Core subjects mula Kindergarten
Ipinasasama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson bilang core subject ang Good manners and Right Conduct (GMRC) sa Philippine Education system mula Kindergarten hanggang sa 3rd-Grade levels.
Ang Senate Bill 1185 o ang “Good Manners and Right Conduct Act of 2019, na inihain ni Lacson ay kahalintulad ng naunang inihain na panukala nina Senators Sherwin Gatchalian, at Joel Villanueva.
Iginiit ni Lacson na kailangang ibalik ang GMRC subject dahil sa masamang epekto ng mga makabagong teknolohiya sa social skills at ugali ng mga kabataan.
Sa GMRC, ituturo ang Human Dignity, paggalang sa kapwa, pag-aalok ng tulong para sa iba, at ang epektibo at holistic development ng decision-making skills ng mga bata.
Sesentro rin ang curriculum sa “Basic Tenets” ng good manners and right conduct tulad ng self-care, discipline and order, sincerity, honesty, obedience, at pagmamahal sa bayan.
Ulat ni Meanne Corvera